The Realization
Conversation.
Linggo ng maaga labing-apat na araw ang nakararaan sa aming simbahan, pumanaog
ako sa lightboard, binati ako ng aming sound engineer at nagulat siya dahil dumating
ako ng maaga tatlong minuto bago magsimula ang aming worship service. (Dahil
kadalasan, buzzer beater ang arrival ko before the worship starts. Minsan late
pa nga kapag may nangyaring di inaasahan).
Pinatay namin ang tatlong minuto sa usapang ito.
Entrada nya, “Ron, ang aga mo ha, ‘di
ako sanay.”
Bigla kong banat, “Napaaga po ba, Sir
Butch?”
“Oo ‘ron. Bumaba ka muna, saka ka na
lang bumalik pag ilang segundo na lang. Himala kasi eh.”
“Sir, bumabawi lang, nung nakaraan kasi,
wala ako.” (due to the editing of our filipino film project).
Umupo na ako sa harap ng lightboard.
Nagkaroon ng saglit na katahimikan at kinausap niya ako muli.
“Ron, kamusta? Ga-gradweyt ka na ba?”
Bigla kong tugon, “Opo sir, tapos na
boksing, clearance na lang po tas praktis na lang.”
“So kelan ang martsa mo niyan?”
“Sa katapusan po, Sir Butch. Siyanga,
ang bilis nga lang po ng panahon eh, parang kailan lang.”
“Oo nga eh, tsk. Dati pangarap mo lang
ang makatapos noon, ngayon, eto na’t mangyayari na yung pinapangarap mo.”
“Hindi ko nga masyadong pinapaalam sa iba
sir eh, kaunti lang ang nakakaalam (at that time of our conversation). Ayaw ko
naman kasi ipangalandakan.”
“Oo nga eh. Sino bang mag-aakala? Hindi
nga halata eh”, sabay hagalpak ng tawa.
“Yun nga po sir eh. Kung di ko pa nga
sasabihing nag-aaral ako, hindi malalaman ng iba. Haha. Discreet lang po ako.”
Ani pa nya, “ang sabihin mo, ayaw mo
lang magpakain, malamang maghahanda ka niyan?”
“Hindi na sir, ok na yung maka-martsa
lang, sapat na po iyon.”
At bigla siyang tinawag ng clicker na
nagmula sa media room, “Sir, may pre-video po tayo before mag-start, thank you.”
Sampung segundo na lang at magsisimula
na ang praise & worship. At dun na naputol ang aming usapan.
Nanariwa sa akin ang usapang iyon sa
mga sumunod na araw nang nasa kalagitnaan na ako ng proseso ng pagki-clearance
at ang lahat ng kadramahan sa pag-mi-meet ng lahat ng school requirements.
Nasabi ko sa sarili ko, “totoo na talaga to. Dati tinitingnan ko lang yung mga
nagpa-praktis ng graduation nung nakaraang taon, ngayon, ako na ang
mag-pa-praktis kasama ng mga kaklase ko.
Pero hindi magkakaroon ng katapusan ang
isang kwento kung wala itong pinagsimulan. At iyon ang siya kong babalik-tanawan.
Backtrack. Hindi talaga ito ang kursong
ninais kong pag-aralan, ni sa panaginip ay hindi sumagi sa isip ko. Naireto lang
kasi ng kaibigan ng nanay ko ang college institution na ito na pinasukan ko sa
nagdaang limang taon. I wanted Mass Communications or Journalism. Psychology
was one thing I‘m considering as well. If engineering, I would have pursued one
of these: my childhood-answer-sake Industrial, the-engine-hobby-inclined Mechanical,
or the supposedly-but-didn’t-became-qualified Aeronautical.
Nalaman kong may kamahalan ang mga tuition
fee at miscellaneous expenses. The last course I’ve mentioned had another
reason. I graduated from high school with an average point of 82.40 which
haven’t reached their qualifying grade of 85. So I ended up taking this course
I’ve taken na hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwalang natapos ko din.
The fees were affordable. I started at
10,500 pesos, all in. And as the year level increases, the tuition fee
decreases. I just fully paid 7400+ in my final semester for my last year. (Sana
bayaran nila ang pag-advertise ko. Hehe.)
So siyempre, unang saltak sa skul. Find
your name and find your room ang peg. At nang makita ko yung room namin (sa una
nitong lugar), kung kalidad ang pagbabasehan sa batayan ng mga de-kalibreng institusyon
ngayon, Ay. Wala na tayong pag-uusapan. Hindi papasa. :)
Having a good outlook of what college is
(at that time) in terms of facilities knowing that it is a state college is
very far from what I‘ve expected. The only exception there is that our
professors have taught us very well in spite and despite our condition. E since
bata pa naman kami nun and I was just 15 when I entered college, anong alam namin?
Promding bata pa ako nun. May makikinig kaya sa mga posibleng maging sentimyento
naming mga estudyante nung mga panahong iyon? And as days passed by, as I’ve
observed, I later found out that the institution has just recently concluded a
transition phase from a former college president who was ousted from his office
due to his incompetent and poor handling (others have said due to inside corruption
happening) in the institution. No wonder as freshmens, we became the
beneficiaries of such mismanagement. (marahil kaunti lang sa mga kaklase ko ang
nakakaalam nito hanggang ngayon except sa mga nakasabayan kong kaklase na unang
gumradweyt last year at yung mga batch na nauna sa amin).
And fast forward but not that quick. Times
of discovering.
First
year. I
always isolate myself to my classmates before. But eventually, some of them
initiated to approach me first. Tas yung isang kaklase na iyon, pinakilala ako
sa mga bago nyang kakilalang mga kaklase din namin na naging nakapalagayang
loob na nya. And so, friendly connections sprung up.
God has really orchestrated
connections in my life. In the midst of my blissful innocence, He sent them to
help and guide me in my starting days in college. An’ laking tulong nila. Sa
isang kaklase ko nga natanggap ang kauna-unahang magandang uniporme na
ipinamana sa kanya ng kanyang kuya na siya namang ibingay sa akin na kalauna’y
itinago ko na lang din sa cabinet ko dahil itinuring ko na itong alaala ng
isang magandang pagsasamahan ng kaklase ko na iyon at ayaw ko nang malaspag ang
unipormeng iyon ng husto. Mga black shoes na di na nila ginagamit kasi wala na
daw gumagamit sa mga pamilya nila at ibinigay sa akin. Mga lumakad ng papeles
ko para maka-enroll ako ng mabilis. Ako naman bilang pakonswelo, tinutulungan
ko sila sa mga assignment namin at pakikisamahan ko sila ng maganda.
Collection of class cards on my first
semester. I really don’t know the grading system that time. Paano ko malalaman,
wala kaming student handbook na binigay sa amin nu’n, ni wala ngang naganap na
orientation, yung klaskard ko pa nga nun, di pa pantay ang pagkakahati tas tabingi
pa. At natanggap ko ang kauna-unahang tres sa tala ng buhay ko na inakala kong
pinakamataas noon. Yun pala ay siyang
kabaliktaran. Engineering drawing ang subject.
Sa pagtatanong ko sa mga kaklase ko, dun ko lang napagtanto na
pasang-awa pala ang gradong yon.
On my second semester that year, I was
forced to stop studying due to an event that really strucked my family. To have
a background of that, my uncle bought a public utility vehicle and my dad
drives it daily. It was supposed to be ours as the two of them agreed that it
will be transferred into my father’s ownership after he returns my uncle’s cash
investment through the vehicle’s boundery (upa sa sakyan) that will be remitted
to him for two years and a half (amounting to more than a quarter of a million
peso). The profit from that transportation business became a good source of
income for us as we’ve handled it for a year, enough to supplant the family’s
daily needs as well as to supply my tuition fee in college.
And one ordinary day, my uncle
abruptly decided to sell the vehicle without our consent. He made that decision
to take vengeance about his unresolved issues with my dad at that time. Life
didn’t become fair for us when he didn’t consider the possible consequences of
his quick decision that could impact us.
It was an enemy’s attack that created
a downward spiral for me and my family. My dad and I didn’t know back then the
reason behind that unwise step my uncle had made. And so I stopped to give way
for my younger siblings to continue their studies. My dad became jobless. Then
my mom suffered a mental anxiety disorder which propelled me to become the
mother-in-charge of the house as of that moment while my mom is being taken
care of my lola for her physical rehabilitation and fast recovery in the province.
And so in those moments of being an
out-of-school youth, I indulged myself in doing significant things to help the
family and ease the burden my father was shouldering in the best way that I can.
This was one of the refinements in me that led to my early maturity. Dito ko
lalong naunawaan ang reyalidad ng buhay. But even in the midst of our family’s
bleakest situation, pinanghawakan ni tatay ang kanyang pananampalataya at ang
Salita ng Diyos. He always tells me at that time, “Paul, kung ako lang ang tatanungin
mo, matagal na dapat akong sumuko, pero tandaan mo may Diyos tayo. Hindi niya
bibiguin ang sinumang nagtitiwala sa kanya, malalampasan din natin ang lahat ng
ito.”
And we continued life from that day moving
with endurance.
The Return
of the Comeback. At dahil dun, pinili naming
maging matatag, wala kaming opsyong mapagpipilian kundi iyon lang. Akala ko,
wala na akong kinabukasan. And God has really made a way for me when there
seems to be no way. Lumipas ang isang taon at huling linggo ng Oktubre nang
taong yon, kinausap si tatay ng kapatid nya, nangamusta ukol sa mga buhay-buhay
nila, tinanong kung nag-aaral pa daw ba ako at ano daw kinuha kong kurso. At umuwi
si tatay dala ang balitang ang tiyo ko na daw ang magtutustos ng aking tuition
fee hanggang makapagtapos ako.
At ayun, asikasong bigla, matapos ang
mahabang paliwanagan sa registrar at lahat ng prosesong kailangang kong
maisagawa sa madaling salita ay nakabalik akong muli. Nakita ako ng mga kaklase
ko na nasa ikalawang taon na’t ga-gradweyt ng associate at nagtanong kung ano
daw ang nangyari sa akin. Karamihan sa kanila’y nanghinayang pati mga propesor
ko dahil maganda ang karera ko nu’n sa klase at bigla akong nawalang parang
bula. They felt sorry about what happened in my family and they have just
encouraged me na ituloy ang kurso at wag ko nang itigil pa na siya ko namang
ginawa.
Dito rin sa puntong ito ay lumipat na ang skul namin sa bago nitong site sa Piccio Garden (yung color blue na building na tabi ng SLEX ngayon). Dun ko na naramdaman ang pagiging kolehiyo. Bagong gamit, bagong skul, bagong upuan, bago lahat.
Second
Year. Nung first sem, kampante pa ako kasi mahaba pa
ang allowance ko for waiting for my OJT. Pero nung second sem, nagsimula na
akong mainip dahil wala pa ding natawag sa akin.
This was a year of challenge to me
dahil maliban sa kailangan kong bunuin ang 58 units sa dalawang semester na ito
(29 units per sem), ay kailangan ko ding makapag-OJT for 420 hours at matapos
ito bago dumating ang March to comply the requirement to be an associate graduate
and to be qualified to become a third year student. Hindi ko masyadong
naasikaso ang paghahanap ng ma-o-OJT-han nu’n dahil bumawi ako sa academics.
And knowing na kung walang OJT, ay di ako makakatuloy, nagkaroon ako ng
kaunting bagabag.
Syempre, ayaw ko nang itigil muli ang
kurso dahil sa nakabalik na ako sa momentum ng pag-aaral ko. So, ginawan ko ng
paraan. This was the very last option that I will choose if I will still not be
hired by those aviation companies that I’ve passed my resume. And this
happened.
It was February that my classmate and
I resorted to pay a fake OJT certificate for the sake that we can have that
only remaining requirement that we need to complete it all. And so I passed it
on the registrar’s office and just waited for the results. But before that
semester ends, tinulungan kami ng professor namin na mailakad ang resume namin
sa kanyang asawang nagtatrabaho sa AirPhilExpress (now PALexpress) para may
pansalo kami sa discrepancies na ginawa naming dalawa sa OJT certificate namin
just in-case magka-aberya.
The next week a controversial issue
had sparked on our engineering department. And the school’s administration made
an investigation about this fake OJT certificate that’s pestering the registrar’s
records. There’s this thing called qualifying exam to become a third year student
and those students whom they would find this fake certificate in the screening
day will not be permitted to take the qualifying exam and be apprehended to
continue the course.
And so they’ve found out that they
identified 12 students including me who have made that illicit act. We became
floating students at that time and the coordinators have told us that we should
wait for the decision of the registrar, the administration, and the deans for
the consequence of doing such act. For in reality, we are subjected to be
expelled from the school for such a grave misconduct.
Then, I prayed and fasted. I asked God
that I may find favor in the sight of the professors (who will be the interrogators)
on how we acquired that fake certificate, and be convinced in our acceptable
reason in the premise of truth and veracity of what really happened and might consider
it to pardon our misconduct.
The next day, the screening happened.
Ginisa ako nung una sa toyo at suka. But I maintained my composure in the
middle of the conversation knowing that God will favor my righteous cause. And
so I just told the professors what really happened and I pleaded for them that
they may consider my plight, and just as when an aviation company hires me to let
me conduct my on-the-job-training there, I would replace the fake with a new,
certified one. And the last interrogator had considered my plea because I
became his student and he knows my attitude, character and performance in his
class, and he guarantees that I can do what I’ve promised.
After all the dramas, the dean and the
admin decided to make it pardoned and letting us students graduate and take the qualifying exam since this is the first incident that
happened in our batch. I thanked them for their consideration. Then, I extend
my deepest praises and gratitude to God when I arrived home.
Third Year. While I‘m on my vacation, I was called by the aviation
company my classmate and I have given our resume to our professor. Yung manugang
niyang lalaki ang naglakad ng papel namin. We thanked our professor for the
assistance she has given to us to her son-in-law. So after all the interviews
and orientations, I started my first day at Airphil. Nakakatuwa lang dahil di
strikto yung supervisor ko sa attendance, pwede akong pumasok any day at any
free moment until I finish it. I benefited
so much at that opportunity that I became so flexible in my personal
commitments and schedules.
Pang-hapon ang naging skedyul kong pinasukan
dahil naubusan na ng slot para sa pang-umagang klase na siyang parating skedyul
ko pag nag-e-enroll. Bagong mga kaklase. Bagong pakikisama. At dahil sa lower
section ang dinayo ko, pinili ako ng mga kaklase kong maging representante ng
aming seksyon dahl matino akong tigasin. Meaning, tiga-xerox ng assignment, tiga-kausap
ng mga titser namin, tiga-lakad ng mga papasang assignment sa mga sa mga prof,
tiga-balita kung di na magkaklase, tiga-post ng announcements. Hayun. For two
semesters, ganun ang ginawa ko.
Dahil sa libangan ko din ang magbasa,
nawili ako sa pagbabasa ng mga short stores written by various authors in our
subject called Philippine Literature kasi tinadtad kami ng titser naming magbasa
at unawain ang mga kwentong kanyang ipinapabasa. Which later in turn had influenced
and improved my style of delivering and writing my essays na siyang pinapakinabangan
ko hanggang ngayon (thank you po, Ma’m Tinay :D) maliban pa sa mga paraan
ng pagpapahayag ng mga opinyon ng mga kolumnistang nababasa ko sa dyaryo tulad
halimbawa ng Philippine Daily Inquirer.
Dun ko lang din napansin nang
nagpa-evaluate ako ng mga grades ko, parating matataas ang mga minor subjects
ko surfacing about Social Studies, Literature, at Filipino (which I like the
most) tas yung mga majors naglalaro sa dos at walang kamatayang nag-iisang
tres.
Matapos ang kulang-kulang anim na buwan,
nakumpleto ko ang traning (na puro office work lang) at nakuha ko din ang aking
OJT certificate, at ipinasa sa registrar. And at last, the issue about that thing
was finally settled.
Fourth
Year. Balik pang-umaga ako pagsampa ko ng huling
taong ito. Si Lord talaga ang gumagawa ng paraan para di maapektuhan ang aking pag-aaral
kahit napapabayaan ko iyon dahil sa dami ng commitments na ginagawa ko kaliwa’t
kanan. Kapag sobrang pagod, di na ako pumapasok para makabawi ng pahinga
(paminsan minsan iyon kada lunes). O kaya kadalasan kapag di ako makasakay ng
jeep dahil punuan sa umaga, late na akong nakakapasok. Kapag ganoon ang nangyari,
nakikibalita ako sa mga klasmeyt ko’t babalita nilang wala naman masyadong ginawa
nang araw na wala ako, o di naman pumasok ang first class professor namin. Kung
pumasok naman at may na-miss akong lecture, nakakabawi naman kaagad ako dahil tinutulungan
ako ng mga kaklase ko. Its all because of His grace. I didn’t became worried as
I have entrusted my last year to Him in my school. I found favor in the sight
of my teachers and professors. And at last, the “tres” had vanished away.
Simula noong nakabalik ako nung second
year hanggang ngayon, di ko na iniasa sa mga magulang ko yung aking pamasahe
araw-araw. Nakakatuwa lang na maliban sa mga pinagkakakitaan kong mga (kung anu-anong
matitinong) sideline noon, God has also touched other people to bless and support
me financially which sustained my daily needs. Saka lang ako hihingi sa kanila
pag talagang wala na akong pera. It came to my senses since then that money is
really so hard to earn yet so easy to be spent so I have to use such tool wisely.
Lalo na nung nitong huling sem sa thesis
ko (ay, namin pala) na sadyang nakapanlalata sa dami ng dapat ayusin at sundin.
I said to myself, the life lessons I‘ve learned at this thesis writing
cannot be harnessed overnight. It takes discipline, patience and endurance in
order for me to accomplish a certain goal. It imparted and confirmed things inside
of me. An individual who has meticulously and painstakingly made a research study
or thesis will understand what I’m talking about.
I also honored God in my studies in
terms of my finances. I see to it that I‘ll set aside quickly the tithe of my
whole tuition fee as my auntie gives it to me at every start of the semester.
Whatever belongs to Him must be given to Him. I applied this principle since
then knowing that as I honor God in this aspect, he will guide me, provide for
me, and take care of everything that which concerns me about my studies. And so
I didn’t became so much surprised if the results were obvious. For it was just
the expected. :)
God’s
Goodness.
No words can express how good God really is in my life. Life becomes so much
better when you decide not to care so much.* Being aware that he’s taking care
of me, I became confident that I‘ll finish this course successfully. In the midst
of hard times, I just relied upon His grace and power to work on my behalf to get
things accomplished. The more I am being pressured, the more I see to it that I
should be relaxed and composed. Yes, there were times that I would just
surrender and give up. But God.
That “but God” moments really pulled
me up when I was almost being deeply drowned in every circumstance. Hindi na
ako namroblema ng husto nang naunawaan ko ng husto ang revelation na iyon as I
progress in my studies and as I grow in my walk with God as well.
Bloopers. Salamat sa mga jeepney driver
na kapag sinenyasan ko ng aking kamao ay titigil sa harap ko dahil pasasabitin
nila ako at pag pinalad-palad pa na walang bumaba, mula bahay hanggang
Baclaran, nakaupo ako sa estrabo ng jeep. Gusgusin akong bata kapag pumasok.
Self-defense ko kasi iyon. Sino ba naman ang papansin sa taong mukhang yagit
ang itsura? Di halata kung saka-sakaling may daan-daan at libu-libo akong dala
karga-karga ang attaché case ko? And speaking of my attaché case, subok na siyang
matatag. Iningatan nya ang mga notbuk kong ginagamit simula pa noong first
year. Dalawang bagong notbuk lang ang nadagdag sa tropang thunders. The new
notebooks joined the group two years ago. Pinagmukha akong attorney ng bag ko
na iyon pero di niya pinasakit ang likod ko. Di ko na talaga nagamit yung feature
niyang self-defense mode (pambalya’t panghambalos) tsk. Tapos na pala kontrata
nya sa akin. You deserve a peaceful rest after 6 years. Haha.
Pumapasok ako nang naka-crocs dahil
ayaw ko gamitin yung aking nag-iisang black shoes na nirereserba ko sa parating
na graduation.** At dahil dun, kinon-fiscate ng isang guard yung ID ko. Sa lahat
ng limang guard na nagbabantay at nagpapasok sa akin ng halos isang semester na
ganun ang suot kong sapatos (dahil marahil naintindihan nila na mas importante
ang makapag-aral kesa sa ikunsidera ang panlabas na anyo), siya lang ang
bukod-tanging nakasita. At sa madaling sabi, gumarahe sa OSA ang ID ko for the
past 2 months. Yung mga klasmeyt ko nagtataka kung paano ako nakakapasok. Hehe.
And speaking of that ID, hanggang sa mga oras na ito ay hindi ko pa din nakukuha
hanggang ngayon. At wala na akong plano. Buong puso ko nang iniaatang sa kanila
ang ID ko na iyon na ayaw nila i–release even though I followed all the requirements
they need me to comply.
Salamat sa tres na pineapple juice na
nagtitinda sa labas ng skul. Ikaw ang naging likidong sa aki’y nagbigay buhay.
The
Conclusion. Those were the highlights
of the important events that happened during my college days. Those memorable
days that will forever be a part of my history. The moments of realization that
imparted so much in my life. The demonstration of God’s faithfulness and
goodness in me in the years of my study. As I reminisce all of those, it gives
a smile on my lips. And I will just smile. For that smile will be a remembrance of my
wonderful experience and becoming a part of my colorful history.
Hindi ko na inatim na mabigyan ng
natatanging pagkilala. Even though that’s good, di ko na inasam. Sabi nga ni
Dong Abay, “ok lang kahit wala kang honor. Ang edukasyon naman ay di paramihan
ng diploma. trophy at medalya.” Ang mahalaga ay di ka mabubuhay bilang isang
mangmang.
Pagbati ng
Pasasalamat. Lord, thank you for the years you have been with
me. You deserve all the highest praises and glory in this another milestone you’ve
helped me to reach.
Nais ko pasalamatan sunod ang aking
mga magulang. Kung wala sila, wala ako. (malamang). :) Ang kanilang walang humpa’y
na suporta’t panalangin ay hindi matutumbasan ng kung ano paman.
Kay Tito Rey at Tita Hilda, na pinamuhunanan
ang lahat ng aking gastusin sa pag-aaral, at heto’t nagkaroon na ng bunga. Tulad
nga ng banggit parati ni Papa sa inyo, ang Diyos na buhay ang siyang magbabalik
ng lahat ng pinagkaloob niyo sa akin sa inyo.
Kela Pastor Rean at Ate Arlene, sa
pagsuporta sa aking pamasahe noon weekly at kay spongebob (Celeron Laptop). Ang
laptop na ito ang nagpatunay na mahirap mabuhay kapag walang U and I (you know
what I mean. Hehe). Ang Panginoon na lang din ang siyang reresbak sa inyo para
sa akin.
Kela Pastor Paul and Pastora Heidi, dahil
po sa inyo, nabayaran ko na po lahat ng aking liabilities sa skul, Thank you
very much po.
Sa mga kaklase ko na naging bahagi sa
lakbaying ito, salamat din sa inyo. Magiging bahagi kayo ng aking magagandang
alaala.
Sa mga tropa ng multicab drivers and
operators na parating libre kapag sumabit ako o kapag nag-duty ako bilang
dispatcher sa magagandang tip na binibigay nila sa akin kapag naninigil ako sa
terminal namin.
Kay kuya Richard, sa tiwala sa
pagmamaneho ng kanyang pampasadang multicab, pinansyal na suporta, at pakain
after I drive Him home.
Gayundin sa mga kumare, ate, kumpare,
kuya, mga “frends” and my leaders inside the church, sa mga nananalangin din sa
akin (kung meron man). Lahat kayo’y may kontribusyon sa kung ano ako ngayon.
Consummatum
Est. I know all of the graduates
have their own story to share and tell on how they’ve endured and how they’ve
gone through with their college days. But I can humbly say that my story is one
of the stories that are worth sharing, and to justify the writing of this long
(and probably-you-can-be-sleepy-because-of-this-lengthy) essay, worth recording. :)
Sila mama’t papa kasi, they never finished
college. Wala silang makuwento sa akin on how they finished their promising courses
they’ve taken back then. And in the future, just as I’ve found my “good thing”
from the Lord, and we can have children, kapag nag-college din sila, I have a
story to tell. :D
And at this moment, sa mga estudyanteng
nag-aaral pa rin sa ngayon na makakabasa nito, panghugutan din nila ng inspirasyon at tapusin ang kanilang nasimulan kaakibat ang Diyos na siyang magiging kasama
nila sa panahon ng kanilang pagkatuto. No sweet words. Just reality. At least, may istorya akong masasabi. At
least, may mga bagay ako na pwede kong maimungkahi kung kinakailangan bunga ng
aking mga naranasan.
At may mayaman na kuwento akong maibabahagi…
kahit paano. :D
------------------
*a quote form my sister abby’s cp.
**I have a new black shiny one. (yeah,
na hindi ko pa din gagamitin). :D
---------------------------------------------------------------
Ipinapaabot ko sa lahat ng mga
ga-gradweyt ang aking maligayang pagbati sa mga katulad kong magsisipagtapos sa
taong ito. Ang inyong inilaang pagpapagal ay nararapat bigyan ng isang
makabuluhang pagbubunyi.
Sa Diyos ang pinakamataas na papuri!