Just in case hindi niyo naintindihan yung kuwento ko nung Linggo, heto yung written form ng message na gusto ko i-point out sa CG natin na halos nagkanda-utal-utal sa pagbabahagi sa inyo. So heto yuntg comprehensive detail nung kuwento.
Last Sunday morning, I told my dad that I'll gonna drive the cab for him going to church dahil puyat siya sa kadahilanang alas-dos ng madaling araw na kami gumarahe. Matapos kaming pamilya na makapagbihis at sumakay na ang lahat sa multicab, sinimulan ko na itong patakbuhin.
Habang natakbo ang sasakyan ay kasalukuyang sinesermonan ng tatay ko ang kapatid kong babae dahil hindi siya maka-get-over sa inasal niya na sinagot niya ito ng pabalang kagabi nung nagtatanong si Papa sa kanya. Nang matapos magsalita si tatay sa gitna ng aming biyahe ay panumandaling umiglip siya para makabawi ng kaunti sa kanyang puyat.
Last Sunday morning, I told my dad that I'll gonna drive the cab for him going to church dahil puyat siya sa kadahilanang alas-dos ng madaling araw na kami gumarahe. Matapos kaming pamilya na makapagbihis at sumakay na ang lahat sa multicab, sinimulan ko na itong patakbuhin.
Habang natakbo ang sasakyan ay kasalukuyang sinesermonan ng tatay ko ang kapatid kong babae dahil hindi siya maka-get-over sa inasal niya na sinagot niya ito ng pabalang kagabi nung nagtatanong si Papa sa kanya. Nang matapos magsalita si tatay sa gitna ng aming biyahe ay panumandaling umiglip siya para makabawi ng kaunti sa kanyang puyat.
Galing sa National Road ng Molino ay lumiko ako pakaliwa sa Daang Hari na kung saan ay matapos ng ilang oras ay muli kong dadaanan dahil dito kami nanggaling ni Papa kagabi. Pinatakbo ko ito sa kaangkupang bilis na nararapat para sa daan na iyon para makarating kami ng maaga sa church.
Sinabi ni tatay, "Paul, wag ka nang dumampot ng pasahero, dumiretso na lang tayong church". Kadalasan kasi'y isinasabay na namin ang mga pasaherong madadaanan namin dahil kami'y nasa ruta naman. Pinaalalahanan ako ni tatay na maging marahan lang sa pagpapatakbo pagkat maaga pa't hawak pa namin ang oras. Pero pinadaan ko na lang sa hangin ang paalalang iyon dahil nakabaling ang aking atensyon sa daan at dahil ako ma'y puyat din. At si tatay ay papikit-pikit na umiglip pero ang diwa niya'y nasa daan..
Makalipas pa ang ilang minuto ay dumating kami sa bahagi ng Seaside. Aminado ako na medyo wala sa huwisyo ang aking pagmamaneho nung mga oras na iyon at sa di inaasahang pagkakataon ay nadaanan ko ang lubak sa bahaging iyon na parati kong iniiwasan kapag kami ay nasa tipikal na araw ng pamamasada.
Nagising ang tatay ko at nagsalita, "Paul, ayusin mo nga iyang pagmamaneho mo, araw-araw mo nang dinadaanan iyan, alam mo na ngang lubak iyan, diniretso mo pa din. Hindi mo pa iniwasan." At bigla akong nagising at sinimulan kong pakinggan si tatay sa pagsasalita niya.
Dagdag pa niya, "Hindi ka lang basta-basta nag-da-drive. Alam mo Paul, lahat iyan ay may koneksyon sa spiritual life mo iyang pag-da-drive. Yung sasakyan ay parang ikaw din mismo. Yang buhay mo ay parang daan iyan. Parati kang lumalakad sa buhay mo at dahil pamilyar ka na ay alam mo na ang mga lugar na dapat mo nang iwasan. Parati mo nang dinadaanan ang lugar na ito. Alam mo na yung mga bahaging may lubak. Dapat ay gamitan mo ng diskarte ang pag-da-drive mo. Sa buhay din, iwasan mo ang mga bagay na dapat mong iwasan, hindi mo na kailangang gawin muli ang mga bagay na mali. Sa pag-aayos nitong cab, kapag di natin inayos at hindi ito makabiyahe, maraming maapektuhan. Gayundin sa buhay natin, pag di mo inayos yung dapat mong ayusin sa buhay mo, may mga bagay at taong madadamay. Kapag di mo inayos ang pagmamaneho mo't di ka nanatili sa linya, marami kang makakagitgitan. Gayundin sa buhay mo, pag di mo inayos ang iyong paglalakbay sa buhay, meron kang matatamaan, at meron kang masasagasaan. Hindi lang ganon ang pagda-drive, anak. May madadampot kang aral kahit sa mga simpleng bagay na ginagawa mo. Gamitan mo ng diskarte habang nagmamaneho ka."
And there was a moment of silence. Nang pumreno ako sa bahagi ng T.S. Cruz dahil sa speed humps at nag-change gear ako ng segunda para makabwelo muli ang sasakyan sa momentum ng takbo nito dahil sa pagbabagal na isinagawa ko, pang-arangkada ng sakyan, revelation came to my senses.
Sinimulan kong namnamin yung mga sinabi ni tatay and my eyes became enlightened because of the incident that had happened and what my dad has told me after that. Napaalala sa akin ng pagkakataong iyon na huwag tayong magpatangay sa kapamilyaran ating kinapapapamuhayan. Kailangang maging alisto at alerto parati tayo sa mga bagay na parati nating ginagawa.
As we always pass in our daily grind of life, we are honed and harnessed and through our daily experiences, we act, we fail, and we discover things. Through these events, we are being taught of the things that we should do in life. And as we know it, we should apply it always, even in its tedious and repeated process.
As we make ourselves aware of the things that we do, we should not miss the opportunity to do what's necessary and what's right in every situation that we are doing. As we live our lives carefully being aware of the things that we must do, we can avoid the inevitable slumps that we can pass in this road of life. A few mistakes are forgivable but we shouldn't live as fools to do the same wrong thing again and again. We can live and learn, and live and learn wisely.
BIlang pagtatapos, sabi sa Ephesians 5:15-17 (TLB), "So be careful how you act; these are difficult days. Don’t be fools; be wise: make the most of every opportunity you have for doing good. Don’t act thoughtlessly, but try to find out and do whatever the Lord wants you to."
We can carefully live our lives if we decide it in ourselves to make it lived carefully.
Iyan ang isang magandang paalala na kailangang isaisip. Hindi porke nakasanayan nating gawin ang mga bagay-bagay ay ganun-ganun na lang. Sikapin natin na sa lahat ng pagkakataon ay gawin natin ang mga bagay na nararapat, tama, at kailangan sa bawat sitwasyon habang natakbo tayo sa daan ng buhay. At kapag ito'y isinapamauhay, makakarating tayo ng matiwasay at ligtas sa ating kanya-kanyang paroroonan.
Maganda ring may co-pilot ka habang nagmamaneho. Kasi masasabi niya sa iyo ang mga diskarteng dapat mong gawin, magpaalaala sa iyo ng mga bagay na dapat mong ikunsidera habang nagmamaneho at ang pinakamaganda sa lahat, ipaiwas sa iyo ang mga lubak na inyong dadaanan dahil ito'y kanyang una na niyang nalaman at ayaw niyang daanan mo pa iyon.
Masaya ako na nariyan ang aking ama habang ako'y nagmamaneho. Pinagpapasalamat ko din yung mga taong nakasama ko sa aking tabi kapag ako'y kanilang pinagmamaneho. Alam kong hindi habang panahon ay sila'y nasa aking tabi. Kaya hangga't maari ay sisikapin kong ariin ang mga bagay na sinasabi nila kapag nagmamaneho ako. Kasi dadating ang panahon na ako na lang ang magmamanehong mag-isa, at maaalala ko parati ang lahat ng gabay na itinuro nila sa akin habang sila'y nasa tabi ko at i-apply ko ang lahat ng kanilang itinuro.
Sa espiritwal na perspektibo naman, si Kristo ay parati nasa atin upang tayo'y kanyang gabayan. At kung parati kang nakikipag-niig sa kanya, malalaman mo ang mga bagay na gusto niyang sabihin at magkakaroon ka ng direksyon sa lugar na iyong tatahakin sa buhay na ito. At hindi ka mapapariwara.
Salamat sa lubak na iyon. Ang malakas na kalabog na natamo ng gulong ng multicab na siyang nagpayanig sa buong sasakyan ang siyang nagpagising sa natutulog na diwa ng puyat na binata.
------------------
*biyahebluesattheyellowmulticab.
------------------
*biyahebluesattheyellowmulticab.