Miyerkules, Setyembre 28, 2016

Usapang Mesa.

It was Tuesday night and I arrived in our house, tired and hungry because of a whole day’s worthwhile activity. Habang naghahanda ako ng hapunan, dumating si Mama mula sa Bible school at inimbita kong kumain kasama ko.

After 10 minutes, my sister Abby arrived as well, and also my father who’s removing his shoes outside as both of them came from a Christian seminar from Bacoor Government Center.

Tas nagbihis si Papa ng damit pambahay. Inaya ni Mama na sumalo siya sa amin kumain, at umupo siya sa tabi nito.

And I started to strike a conversation with my parents.

Tsk, parang naninibago ako sa mga ginagawa ko ngayon. Mukhang kailangan kong mag-adjust.”

“Galing ka bang training niyan?”’, usisa ni Mama.

“Oo, ‘ma. May dalawa pa kong papapirmahan para matapos ko yung courtesy call ko sa mga officers. Pag nakapirma na sila, official na akong makapagsimula.”

May ginagawa ba kayo doon?”

Sa ngayon, wala kasi ayos pa naman yung mga helicopter nila, pero kapag kailangan nang check-up-in, saka sila huhugot ng mga trainee para tumulong depende sa workload. Since marami ding OJT dun ang mi-minsang naka-standby, plano ko kapag may driving sa church, mag-drive muna ako. Pag may mga araw na bakante ako pagkatapos ng klase, saka ako papasok para di sayang oras.”

Biglang nagsalita si Papa habang kumakain ng vegetable tocino na ayaw kong kainin, “Mapapagod ka ng husto niyan, Paul. Pano yung NTC mo?” 

“Pagsasabayin ko na lang. Ang kagandahan naman ay flexible ang oras ko dahil mahaba yung duration ng training. Wala akong hahabuling oras. Kailangan ma-manage ko ng husto yung oras ko sa ibang bagay.”

“Ganun na nga. Tiyagain mo na iyan. Open door na ni Lord iyang training mo at timing na nakapasok ka diyan. Ingatan mo lang yang katawan mo. Balansehin mo lang. Dapat magbawas ka na ng commitments mo.”

“Siyanga, Pa, paunti-unti. Kailangan ko nang makapahinga ng maaga para may laban ako kinabukasan. San pala kayo ni Abby galing niyan?”

“Diyan sa munisipyo, may inatenan kaming seminar. Ang ganda ng shi-nare nung faliciteyto, ano ba yun? Falici….”

“‘Facilitator. Tungkol saan yung shi-nare niya?’”, usisa ko. Nakinig kaming dalawa ni Mama.

“May tatlong tanong yung facilitator na nag-seminar sa amin, pero heto yung tanong na nag-stick sa akin na ipinasagot niya sa seminar. Sabi niya, ‘Kung dadating si Hesus sa harapan niyo ngayon at kausapin kayo, anong itatanong niyo o sasabihin niyo sa kanya?’ Pinakinggan ko yung sagot ni Abby, sabi niya, ‘Pa, tatanong ko kung bakit ganito ako mag-isip, ganito ang ugali ko, bakit ako yung pinili mo.’ Ngayon ko lang na-realize na ganun kababaw pa yung faith ni Abby sa mga ganong bagay.”

“Sa akin nga ‘pa, kanina medyo nadi-discourage ako habang nandun ako sa loob ng compound, para akong pinanghihinaan ng loob kasi parang back to square one ako uli.”

“Alam mo’ nak, ang kalaban, magbabato sa iyo ng thoughts of discouragement, pero tapatan mo siya ng salita ng Diyos. You declare the word of God.”

“Siyanga ‘tay kanina habang nandun ako nag-declare ako, ‘Thank you Lord that you do not given me a spirit of fear, but of power, of love, and of a sound mind.’ Yung sound mind dun is the discipline para magpatuloy.”

“Tama iyan, ‘nak. Ideklara mo yung Word pag nakaka-encounter ka ng ganyang mga bagay. Yung tipong balisa ka tas di mo alam gagawin, say the Word. Heto kasi iyon eh, maraming tao ang may alam na may Diyos pero hindi nila nararanasan yung personal intimacy na dapat meron tayo sa kanya. Ako ‘nak, sa tagal ko nang pagiging Kristiyano, napatunayan ko mismo na hindi ako pinabayaan ng Diyos, naranasan ko yung intimacy ng aking relasyon sa kanya. 

Why do you experience yang mga bagay na iyan? Kasi it is an opportunity for you to know him deeper. Lumalalim pa ang pagkakakilala mo sa kanya and you are becoming more dependent on God. Marami kasing iba, kahit Kristiyano na, pag may problema saka lang lalapit pag may kailangan, pag na-solve na o natanggap na, sila na uli ang may kontrol ng buhay nila.

"Sa mga ganyang pagkakataon, you declare the Word and faith arises from your heart. You begin to learn na mag-depende din sa Holy Spirit. Tanungin mo ang Holy Spirit pag nababalisa ka, ‘Lord, ano po ba ang dapat kong gawin? Lord, ano po bang gusto niyong ipaunawa sa akin?’ And receive it and apply it. Para maranasan mo yung truth of God’s Word sa buhay mo pag isinabuhay mo kasi kapag pinatotoo mo iyan, powerful iyan, may impact iyan sa iba kapag shi-nare mo.”

Bigla akong nahimasmasan. Ani ko, “Oo nga no, ‘tay, bigla akong naliwanagan dun ha. So good to be reminded, Pa.” (Dahil I was thinking for the past few days how will I juggle my commitments and I’m a bit anxious and unsettled). Then I whispered a short prayer of repentance against self-sufficiency while he’s still exhorting. I was greatly reminded of those simple things and right there and then, I felt in myself that I retuned back on my track.


"Ganun kasi iyon anak ang advantage mo sa mundo pag kasama't kilala mo na ang Diyos. Nakikita mo yung mga bagay based on God's perspective. Kapag you have the wisdom that comes from God, it brings life, and light sa mga nakakarinig, leaving them encouraged. As you grow in God, madi-discern mo yung mga bagay na dapat mong maintindihan at malaman as you have this journey with God.

“Ganun pala yun no, Pa. Kaya nung nag-pray ako and I declared that verse, biglang umaliwalas yung ulap na maitim dun sa barracks at nawala yung parang veil sa isip ko.”

“Ayos iyan anak. You are growing more and more. Yan ang gusto kong matutunan niyo habang nandiyan kayo sa edad na iyan.”

Then I paused for a short while and ate a spoon full of rice and hot noodles while still pondering what my dad talked about. Then he continued.

“Balik tayo dun sa sharing kanina. Natuwa lang ako sa mga sagot nila. Pati sa sagot ni Abby. Pagkatapos nilang sumagot lahat, ako yung huling sumagot. Sabi ko, ‘Maganda yung lahat ng mga sagot niyo. Pero kung ako tatanungin, isa lang sasabihin ko.’

“Salamat Panginoon at pinili mo ako.” 

“Hindi niyo ba na-realize na sa dami-dami ng tao sa mundo, sa dami-dami ng mga taong busy sa labas at nagtatrabaho, kumakayod at nag-uubos ng oras sa iba’t ibang bagay, lahat tayo ay nandito sa lugar na ito para makinig at makatanggap ng buhay mula sa kanya? Na tinatanggap niyo yung napaka-importanteng bagay sa buhay na hindi natatanggap ng iba? At dahil pinili ka niya, mula sa kadiliman, inilipat ka niya sa kaliwanagan? Hindi ka niya pinili dahil mayaman ka o qualified ka. Pinili ka niya kasi may plano siya sa iyo. Gusto ka niyang bigyan ng buhay. At kay sarap pasalamatan ang ganoong pribilehiyo.”

“Natuwa ako dun eh, nagpapakanta si Abby dun sa praise and worship kahit na may ugali pa na dapat mabago sa kanya. Pero ayos lang yun, nasa proseso pa si Abby ng pagkaunawa.”

“Oo nga kuya, napaisip ako nun nung tinanong sa amin yun kanina”, ani ni Abby na nagsusukat ng bagong bigay na damit galing kay Tiya Buleng sa aming malaking salamin.

“Kaya nga pasalamatan niyo na pinili kayo ng Diyos, kasi yung mga bagay na tinanggap niyo simula nung na-Born Again tayo ay hindi kayang tumbasan ng pera. At habang lumalaki kayo, sa ganyang edad maigi nang nauunawaan niyo ang mga bagay na iyan”, ani ni Papa na matapos kumain ay tumayo sa upuan at pumunta sa sala.

Napansin kong tapos na din kami kumain pagkatapos ng maiksing usapan na iyon. I saw in my father’s eyes the joy of giving us that simple wisdom that encouraged me and Abby as well. 

At nang nanahimik na si Papa, nagpulasan kaming dalawa ni Mama sa mesa, dala ko ang kinainang pinggan, tinidor, at kutsara. :)



Walang komento :

Mag-post ng isang Komento