Lunes, Enero 27, 2014

"Sentimyento"

       Haaaaaah. Isang repleksyon ng aking malalim na bungtong hininga. Hindi ko na po alintana ang pagod at puyat na binigay ng thesis research na ito. Kailangan daw kasi para maka-graduate. Hanep. Sige. Pagbigyan kung ito ang kinakailangan. Sa totoo lang Lord, nakapanlalata ang buhay estudyante. Nakakapanibago. Wala na akong kain, wala na ding tulog. Halos hinugot na ang buong talino at lakas sa pagsasaliksik na ito. Pero ok lang. Ok lang ang lahat ng ito. Kung ito ang kailangan para matapos ko nang maluwalhati ang pag-aaral na ito, tatapusin ko ito ng maganda. Kung ito ang kinakailangan para hindi ako lumugmok sa kalagayang pinansyal namin ngayon, titiisin ko na lang. Kung ito ang kinakailangan para maging pagpapala ako sa mga taong nagpapala sa akin at sa mga aabutin ko pa sa hinaharap, sige, itutuloy ko ito ng may kahusayan. Sa kabila ng mga atakeng ipinupukol sa akin ng kaaway, magpapakatatag ako dahil ikaw O Diyos ang aking muog.

O Diyos, alam kong ang iyong biyaya'y sapat sa akin.
At ito'y magiging epektibo sa oras na higit kong kailangan.
Sa iyo O Diyos ko iniaatang ang nakapanlalatang gawaing ito.
Matatapos ko din ang lahat ng ito gamit ang iyong lakas.

At kung inihihingi ng sirkumstansyang aking ginagalawan ang aking buong sarili,
ay lalo kong hihingin at nanaisin ang presensiya mo O Diyos.

Dahil sa iyo, makakakuha ako ng lakas at katatagan na magpatuloy.
Matatapos din namin ito.

-----------------
Tiwala lang. Ang lahat ng bagay ay ginagawa ng Diyos para sa aking ikabubuti.

Walang komento :

Mag-post ng isang Komento