Sabado, Pebrero 22, 2014

"Duon Din Iyon Tutuloy."

Napaka-impokreto ko naman kung sasabihin kong di ako nag-a-aspire to have a special someone that I can give my heart to and to state it simply, a girl to whom I can express my love in the best expression I know right now because I‘m occupied with the things that I do and I have no time for that. And if you’ll witness the nature of the environment that I‘m living in and the things that I’m personally doing at this season of my life as a basis for justifying it, probably, you will agree on that statement.

         Pero natural lang naman siguro sa akin bilang isang lalaki na talakayin sa isip ko ang bagay na iyon paminsan-minsan. At matapos dumaan ang valentines day, sa lahat ng mga pangyayaring nakita ko bago dumating at pagkatapos ng espesyal na araw na iyon na related sa okasyong iyon, humantong ako sa paggawa ng isang repleksyon na nais kong ibahagi sa inyo (especially sa mga lalaking magbabasa nito) tungkol sa mga bagay na naintindihan at nakumpirma ko sa kung ano ang dapat ko munang gawin habang di pa kami pinagpapanagpo ng lubusan ni Ms. Right ni Lord.


I will continually love God with all of my heart, soul, and strength. 
That’s the first commandment according to the Law of Moses. That also applies to me as well as I prepare myself before pursuing the right one God has prepared for me. Sa Kanya ko parati mapa-practice ang pag-e-express ng salitang “pag-ibig” in how I respond in His unconditional love. 

And through the years as I have this deep, intimate, sincere relationship with God daily, the essentials that I need for a healthy relationship in the future with my future life partner is harnessed at this season of my life being single, devoting and delighting in God. It produces trust, loyalty, honesty, understanding, patience, dependency and purity.  Dahil mahal ko si Lord, di ako gagawa ng mga bagay na ikalulungkot Niya at ikadi-disappoint Niya. Ganun din kasi ang nararapat kong gawin kapag nariyan na siya. I am not perfect but all of it can happen by having His grace.

This is a fact. I cannot give what I don’t have. Kung di ko nagagawa kay Lord ang mga bagay na dapat kong gawin sa Kanya, paano ko iyon mae-express sa magiging nobya ko pagdating ng panahon?


Chill lang, dadating din iyan. 
Sabi nga sa Ecclesiastes 3:1, “To everything there is a season and a time to every purpose under heaven.”  Pag sinabing “everything”, ibig sabihin, “lahat”, di ba? Kasama din dun malamang ang term na “lovelife”.  I know God has an appointed time for me when I will enter this phase. I should not be worried about waiting for the right time because there is a destined purpose. May trip kasi si Lord na mas maganda kesa sa gusto ko. I will just continually be doing the things I know I should do in preparing myself. 

Preparation time is always never been a wasted time. At ang paghahandang iyon ay respektibo sa buhay na aking ginagalawan. Nais kong maging karapat-dapat sa aking magiging nobya pagdating ng panahon. Na sarili kong sweldo ang aking ipangagasta sa date namin, na masaya kaming magsasama dahil may basbas ito ng aming mga magulang, na wala kaming nakalimutang obligasyon dahil ang lahat ng ito’y napunan at nagawa na. Ilan iyon sa mga bagay na nanaisin kong maganap bunga ng paghahandang itinatanim ko ngayon.


I will not be swayed by my emotions. 
Emotions are good but can deceive us and it may lead us into actions, decisions, and moves that will lead you to regrets sometimes. Pag emosyon ang pinairal ko, maaari akong dalhin nito sa mataas na tugatog ng pakiramdam na pwede kong maramdaman, at ilugmok ako sa pinaka-abang sitwasyon na puwede kong pagdusahan. Lagapakan sessions kung baga. Ito ay pansamantala’t hindi rin nagtatagal. 

Kapag balansyado ang emosyon at pag-iisip, mabibigyan ko ng tamang pagtrato ang babaeng nais kong makasama at hindi ko kailangang magpanggap dahil sa emosyon ang naging motibasyon ng aking intensyon. Madali lang sa akin ang magpakatotoo. At para di din ako paglaruan ng aking emosyon, kailangan may pamantayan akong pinanghahawakan, which leads me to state my next paragraph.


Seek Counsel. 
At saan pa ba ako makakakuha ng magandang payo at suwestiyon kung paano ko idi-deal ang mga bagay na ito? Mahirap magpakadunong at magmarunong. Nagtanong-tanong din ako sa mga tamang tao na sa tingin kong makapagbibigay liwanag sa akin. Dumayo din ako’t nakinig sa mga pagtitipong may talakayan ukol sa mga isyung ito at unti-unti akong naliwanagan sa mga bagay-bagay na dapat kong gawin. Ayoko din kasi magkaroon ng kalituhan sa aking isip at desisyon. 

There is safety in a multitude of counselors. Alam kong hindi pa ganoon kasapat ang aking nalalaman. Willing akong matuto at mas nanaisin kong madagdagan pa ang mga iyon. And those counsels do not only serve as an enlightenment, as God uses them for my definitive purpose, but it protects me as well from any wrong actions that I might do if I rely on my own wisdom.



Real Men are POGI. 
POGI is an acronym. Isa-isahin natin.

P-ure.  I should maintain myself not to indulge or be enticed by something that can make my purity be tainted.  I choose to be pure even when temptation strikes me the hardest. Soaking in God’s presence always gives me the strength to overcome every personal temptations and struggles of my flesh.  I must always subject my thoughts and actions under the authority of my Lord Jesus Christ. 

Sounds like SS? Pero yun lang ang pinaka-swak na solusyon kung paano ko lalabanan ang tukso at manatiling malinis sa paningin ng Diyos at hanggang sa dumating siya. Right thinking as well leads to right living. To have pure thoughts is one of the things that I should always think about. (Philippians 4:8). God is pleased in that.

Obedient. How I obey God’s word in my life faithfully reflects how I honor Him generally. How I obey my mother determines how I respect her. How I respond to those simple favors that my sister asks of me to do reflects how I treat her importantly.  

By responding on the individuals cited above with an obedient heart, this reflects how I importantly consider them and I’ll gonna treat them for the rest of my life. Kung paano ko sila kinukunsidera sa buhay ko ay ganoon ko din ikukunsidera ang magiging partner ko in life sa hinaharap.

Gentle. I should be gentle to the people that I know and be kind to those people that I don’t know.  I should be patient and and give understanding in dealing things, understanding the weaknesses and incapacities of every person and take the initiative to help and treat everybody with kindness.  Because that is how God guides us. Consequentially, I can also be more gentle to the woman who will stay with me for the rest of my life inspite and despite her shortcomings and inabilities and look always on her strengths.

Intense. In a sense that I will maintain this spiritual passion to stand firmly on my right convictions and principles, the zeal to live unconformed by the patterns of this world, have this unquenchable desire to be faithful and just, so that when the day comes that we will meet each other, it will be easy for me to offer and give my lifetime commitment that she solely deserves and treat her the way God treats her, different from the world’s perspective that’s hollow and superficial.



Maging Kapaki-Pakinabang. 
I will continually engage myself in doing significant things in this season of my life.  I will never let the day pass by without accomplishing something that’s worthwhile. Dahil dito’y nagiging produktibo ang aking oras, araw at panahon, nalilinang ko ang aking sarili at nagiging pagpapala ako sa iba. Sa gayon, lumilipas ang bawat araw na dumadaan sa akin ng may kabuluhan at katuturan. 

May mga bagay na mas kailangang atupagin ko muna sa ngayon. Maganda itong libangan para di ako mainip sa tamang panahong itinakda ng Diyos para suyuin ko siya. Besides, dahil nakasanayan na, kampante ang aking magiging kabiyak sa hinaharap kapag nagsama na kami’y alam nyang may silbi ang lahat ng aking gagawin at wala akong gagawing kalokohan. As if.



Understand What Love Really Is And What It Really Does. 
We are living in a society wherein love is implied the way it must not be defined. It is learned the way it must not be understood. Love is not what you see in those segments that are happening in telenovelas. Love is not defined on what you read in the pocketbooks or what you hear in those radio programs every night. Love is more than that. 

Let me cite to you what love really is. “Love is patient and kind. It is not jealous nor conceited nor proud. It does not demand its own way. It is not irritable, and it keeps no record of wrongs. It is never glad about injustice but rejoices whenever the truth wins out. It never gives up, never loses faith, is always hopeful and endures through every circumstance.” (1 Corinthians 13:4-7). Love is a decision that must be acted upon and applied everyday. 

Having the understanding of what love really is, what it really does, and fortifying it always in this season of my life is a great way to make myself ready and deserve to have her in the future.



Be a Man
I want to be a man full of integrity and character.  I want to be a person who honors the word I’ve promised.  I want to be responsible and be careful to the things that I do. I want to make every details of my life be corrected and perfected. I want to be a man God has called me to be. And thank God he has given me all the time in the world on how I will make it transpired and fulfilled in my life through the daily applications of what I suppose to do by the choices I’m taking,  the commitments I’m engaging,  the decisions that I am making, and the path that I‘m walking. Time will always be my friend in working it out in my life. 

(“Love is waiting till you’re ready until its right...” J -Brooke Frasier). I will see every situation as an opportunity to exercise the vital things I must learn and apply to become a man, dump every unnecessary attitude and habits, acknowledge my weaknesses and change it for the better. As I incline myself in trying, proving, and experiencing the results of doing what’s necessary and just contributes a lot in processing myself to be a man and eventually end up being the right one to the woman who will be my recipient.


(statement in the parenthesis added by my sister).

------------------------------------------------

We are not bound up in the love scenes being plotted in our TV screens and on those love stories we see in those cinemas. May tunay na buhay tayong ginagalawan. Hindi sapat ang kilig para umusbong ang isang wagas na pagmamahalan. Hindi ko sinasabing alisin natin ang kilig. Ang punto ko lang ay importanteng meron kang batayang pamatay. 

Pamatay sa anumang pwedeng maglihis sa mga bagay na dapat mong isaalang-alang sa panahong ito ng paghahanda at pagpapatibay ng loob na kung saa’y ikinapaloob ng mga pahayag na nabanggit ko kanina. Kasi marahil siya din ay naghahanda din para sa iyo. Malay mo, pinag-pe-pray ka rin niya pala. At mas maganda kung dinadalangin mo ang kanyang buhay palagi kapag naaalala mo siya. (Ginagawa ko kasi iyon eh.) Kasi ‘pag si Lord ang naglakad sayo sa kanya, tapos na boksing.

Uunahan na kita. Hindi ako perpekto. At malabo din maging. Pero gusto kong maging karapat-dapat sa paningin ng Diyos. At kapag dumating na ang panahon, sa kanya para pagbigyan niya ng kanyang dalisay at wagas na pag-ibig. Karapat-dapat na pag-alayan niya ng kanyang tiwala, suporta at pagsunod, ng kanyang buong sarili. Karapat-dapat na makatuwang niya sa buhay. Karapat-dapat na makasama niya sa kaganapan ng kalooban at pagkatawag ng Diyos sa kanya. 

Karapat-dapat na makasama niya sa pagkatuto sa mga bagay na amin pang kailangang malaman. Karapat-dapat na makaramay niya sa panahon ng matitinding problema’t pagsubok na aming pagdadaanan. Karapat-dapat na makasama niya sa pagtupad ng aming mga pangarap. Karapat-dapat na makasama niya sa paghuhubog ng ugali at pagbibigay aral sa aming magiging anak at apo. Karapat-dapat na makapiling niya hanggang tumanda. Karapat-dapat mapasa-kanya. At magaganap iyon sa patuloy kong pagsasakatuparan ng mga bagay na kinakailangan kong gawin sa ngayon.



         And so these are the things that I’ve pondered before and after that event. I hope those who will gonna read this in one way or the other make this as a part of their perspective in life. Marami pa sana akong ibabahagi kaso hanggang dito na lang muna. 

Kung baga sa scope and limitations ng thesis, preparation and strengthening your views in life ang saklaw ng sulating ito. Baka kasi katulugan niyo sa haba, ayoko naman ng ganun. Lalo pa’t karamihan sa mga lalaki ay di mahilig magbasa unless hilig talaga nila.

Gusto kong tapusin ang sanaysay na ito kapag nagpanagpo na kami ni Ms.Right sa mga sumusunod na kataga.

Sa hinahaba-haba man ng prusisyon, kung tama ang preparasyon, sa simbahan din kami tutuloy. :)



Walang komento :

Mag-post ng isang Komento